Skip to content
Opens in a new window

[1] Pangkaraniwang naririnig na mayroong pakikiapid sa inyo at ang ganitong uri ng pakikiapid ay hindi nababanggit kahit sa mga Gentil, na ang isa sa inyo ay kinakasama ang asawa ng kaniyang ama.

[2] At kayo ay nagmamalaki pa, at sa halip ay hindi kayo nagdalamhati upang maitiwalag mula sa inyong kalagitnaan yaong gumawa ng gawaing ito.

[3] Sapagkat ako nga ay humatol na sa kaniya na gumawa ng gayong bagay kung paanong ako ay naririyan sa inyo, bagaman ako ay wala sa inyo sa katawan ngunit kasama ninyo sa espiritu.

[4] Sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, habang kayo ay nagtitipon at kasama ang aking espiritu sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ating Panginoong Jesu-Cristo,

[5] ay ibigay kay Satanas ang ganiyang tao para sa pagkawasak ng kaniyang katawan upang maligtas ang kaniyang espiritu sa Araw ng Panginoong Jesus.

[6] Ang inyong pagyayabang ay hindi mabuti. Hindi ba ninyo alam na ang kaunting pampaalsa ay nagpapaalsa sa buong masa ng harina?

[7] Kaya alisin ninyo ang lumang pampaalsa upang kayo ay maging bagong masa ng harina kung paanong kayo ay walang pampaalsa sapagkat si Cristo rin na ating Paglagpas ay inihandog para sa atin.

[8] Dahil dito ay maipagdiriwang natin ang kapistahan hindi sa pamamagitan ng lumang pampaalsa, ni hindi sa pamamagitan ng pampaalsa ng masamang hangarin o ng kasamaan, kundi sa pamamagitan ng walang pampaalsang tinapay ng katapatan at ng katotohanan.

[9] Isinulat ko sa inyo sa aking liham na huwag kayong makihalubilo sa mga mapakiapid,

[10] ngunit sa anumang paraan ay hindi sa mga mapakiapid ng sanlibutang ito, o sa mga sakim, o sa mga mapangamkam, o sa mga sumasamba sa diyos-diyosan. Yamang dahil sa kanila, dapat na kayo ay lumabas sa sanlibutang ito.

[11] Ngunit ngayon, ako ay sumulat upang huwag kayong makihalubilo sa sinuman na tinatawag na kapatid kapag siya ay mapakiapid, o sakim, o sumasamba sa diyos-diyosan, o mapanirang-puri, o manginginom ng alak, o mapangamkam. Sa isang katulad niya ay huwag nga kayong kakain na kasama siya.

[12] Sapagkat ano naman para sa akin ang humatol sa mga nasa labas? Hindi nga ba yaong mga nasa loob ang hinahatulan ninyo?

[13] Subalit ang Diyos ang hahatol sa kanila na mga nasa labas. Kaya inyong itiwalag ang taong masama mula sa inyo.Deu 17:7

Ang Unang Sulat Ni Apostol Pablo Sa Mga Taga-Corinto — Chapters