Skip to content
Opens in a new window

[1] Kaya, una sa lahat ay aking isinasamo na gawin ang mga panalanging-paghiling, ang mga panalangin, ang mga panalanging-pamamagitan at pasasalamat para sa lahat ng mga tao,

[2] para sa mga hari at para sa kanilang lahat na mga nasa pamamahala upang tayo ay makapamuhay ng mapayapa at matahimik sa lahat ng gawaing pagiging makadiyos at karangalan,

[3] sapagkat ito ay mabuti at katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos na ating Tagapagligtas

[4] na siyang nagnanais na iligtas ang lahat ng mga tao at dalhin sa pagkakilala ng katotohanan.

[5] Dahil isa ang Diyos at isa ang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus

[6] na siyang nagbigay ng kaniyang sarili na pantubos para sa lahat, ang patotoo sa takdang panahon.

[7] Dahil dito, ako ay itinalaga na isang mangangaral at apostol, (ako ay nagsasabi ng katotohanan patungkol kay Cristo at ako ay hindi nagsisinungaling) isang guro ng mga Gentil sa pananampalataya at sa katotohanan.

[8] Kaya ninanais ko na ang mga lalaki ay manalangin sa lahat ng dako na itinataas ang kanilang mga banal na kamay na walang poot at pag-aalinlangan.

[9] Gayundin, ang mga babae naman ay magsigayak sa kanilang mga sarili ng maayos na kasuotan na may kahinhinan at maayos na pag-iisip: hindi nang nakatirintas ang buhok, ni nang ginto, ni nang perlas, ni nang mamahaling kasuotan,

[10] kundi kung ano ang nararapat sa mga babae na nagsasabing sila ay sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng mabubuting gawa.

[11] Hayaan na ang babae ay matuto ng pananahimik sa pagpapasakop sa lahat.

[12] Ngunit sa babae ay hindi ko ipinapahintulot na magturo o pangunahan ang lalaki kundi upang manatiling tahimik,

[13] sapagkat si Adan ang unang ginawa at pagkatapos ay si Eva.

[14] At si Adan ay hindi nadaya, ngunit ang babae na totoong nadaya ang nasa pagsalangsang.

[15] Gayunpaman, siya ay maililigtas sa pamamagitan ng panganganak kapag sila ay mananatili sa pananampalataya at sa pag-ibig at sa kabanalan na may maayos na pag-iisip.

Ang Unang Sulat Ni Apostol Pablo Kay Timoteo — Chapters