Skip to content
Opens in a new window

[1] Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)

[2] Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa.

[3] Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.

[4] Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)

[5] Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.

[6] Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.

[7] Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.

Mga Awit — Chapters