Skip to content
Opens in a new window

[1] Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

[2] Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas!

[3] Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman!

[4] Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo?

[5] Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon.

[6] Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip.

[7] Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala.

[8] Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila.

[9] Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan, at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon.

[10] Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.

[11] Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig. At nangatitigilan sa kaniyang saway.

[12] Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan, at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab.

[13] Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas.

[14] Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan: at pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya! Nguni't sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan?

Job — Chapters