Skip to content
Opens in a new window

[1] Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos, ang libingan ay handa sa akin.

[2] Tunay na may mga manunuya na kasama ako, at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.

[3] Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?

[4] Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa: kaya't hindi mo sila itataas.

[5] Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli, ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.

[6] Nguni't ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan: at niluraan nila ako sa mukha.

[7] Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan. At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.

[8] Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal.

[9] Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad, at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.

[10] Nguni't tungkol sa inyong lahat, magsiparito kayo ngayon uli; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo.

[11] Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso.

[12] Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.

[13] Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman:

[14] Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;

[15] Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?

[16] Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok.

Job — Chapters