
About
Iniwan na ba tayo ni Sassa Gurl sa kanal? Ayon sa kanya—never! Certified baklang kanal pa rin siya. Dala-dala ni Sassa ang kakanalan niya mula sa mga panahong nakikipag-riot at umaawra pa siya sa mga constru hanggang ngayon na nakikipag-syala na siya kina Marian Rivera at Nadine Lustre. Asahan ang isang wild, puno ng katatawanan, at no-filter na bagong live session ng 'Your Honor.'