About
Ang Diyos ang nagpapasimula at nagpapatuloy ng kanyang gawa sa buhay natin para ihanda tayo sa mabuting gawaing itinakda niya para sa atin. Hindi man natin nalalaman ang lahat ng ginagawa ng Diyos, maging sa mga ordinaryong bahagi ng buhay natin, maging sa mahihirap na bahagi ng buhay natin, dapat tayong magtiwala sa Diyos na gumagawa para tuparin ang kanyang plano sa buhay natin at sa pamamagitan natin.