
About
Ito ang mga maoobserbahan natin sa Genesis 1: (1) Maayos ang paglikha ng Diyos; (2) Makapangyarihan ang salita ng Diyos; (3) Malawak ang kaharian ng Diyos; at (4) Mabuti ang lahat ng gawa ng Diyos. O ayon sa sagot ng New City Catechism sa ikalimang tanong tungkol sa nilikha ng Diyos: “Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang Salita, at ang lahat ng nilikha niya ay napakabuti; at ito ay nagbunga (flourished) sa ilalim ng kanyang mapagmahal na pamamahala.”