Skip to content
Opens in a new window
430: BARA-BARA: TULOY-TULOY LANG TAYO w/ ANYGMA
13 November 2026

430: BARA-BARA: TULOY-TULOY LANG TAYO w/ ANYGMA

The Linya-Linya Show

About

Balik sa Bara-Bara ang founder at president ng FlipTop Battle League at co-founder ng Uprising Records—walang iba kundi si Anygma!
Ituring n’yo ang episode na ito bilang recap at reflection ni Aric sa naging takbo ng FlipTop ngayong 2026. Sa mga nakakasubaybay, alam natin kung gaano kamakasaysayan ang taong ito para sa liga—mula sa mga bagong events at tournaments, pag-usbong ng bagong henerasyon ng emcees at patuloy na paghusay ng mga OG, hanggang sa paglawak ng audience, sa mga venues man, social media, o traditional media.
Napag-usapan namin ang lumalawak na recognition at appreciation sa battle rap at hip-hop culture, pati ang mahalagang papel ng hip-hop bilang boses at lunsaran ng mga hinaing tungkol sa mga nangyayari sa lipunan.
Siyempre, sinilip din namin ang trabaho ni Aric behind the scenes—ang challenges, decisions, at responsibilities sa pagpapatakbo ng liga habang patuloy itong lumalaki. Hindi lang sa pag-organize ng events at pag-aasikaso sa mga emcee, kundi pati sa pag-mentor at pag-alalay sa FlipTop staff at sa kani-kanilang career at personal na buhay.
Umabot din ang kuwentuhan sa Uprising Records at sa kanilang anim na album releases ngayong taon. Kani-kaninong mga album ang dapat abangan? Ano ang creative direction ng Uprising, at ano pa ang gustong maiambag ng koponan ng kamao sa Filipino music?
Sa kabuuan, pinag-usapan namin kung paano pa natin mas makikilala, mauunawaan, at maa-appreciate ang battle rap, rap music, at hip-hop culture.
At maiba naman, nagkuwentuhan din kami tungkol sa pagmomotorsiklo, paghahanap ng oras para sa sarili, at pagiging erpat—sakto dahil malapit na rin akong maging tatay. Hehe!
Sa dami ng ginagawa, responsibilidad, at pangarap, paano nga ba napagkakasya ang lahat? At matapos ang mahigit 16 na taon ng FlipTop, ano pa ang nagtutulak kay Anygma na magpatuloy?
Maraming kuwentong binalikan, realizations, at mga dapat abangan sa 2027.
Tuloy-tuloy lang tayo!
Listen up, yo!