
Sa panibagong episode ng The Linya-Linya Show, kasama natin ang isa sa mga haligi ng Filipino stand-up comedy — standup comic, writer, podcaster, founder ng Comedy Manila, at miyembro ng back-to-back #1 comedy podcast sa bansa, The KoolPals — si GB Labrador!
Bumalik kami sa kanyang pinagmulan: ang pagkabata sa 80s at 90s, panahon ng analog at Betamax. Ang kwento nya bilang batang Katipunan, na muntik mag-Pari, na natutong mag-basketball at dumakdak, at ang mga sandaling nadevelop ang kanyang humor at nahubog ang mga pananaw sa buhay.
Pinag-usapan din namin ang early days ng Comedy Manila, ang dynamics ng The KoolPals, at ang kanyang paparating na Tayo-Tayo event sa Linya-Linya HQ, at ang 1-hour comedy special sa Hyundai Hall, sa Areté Ateneo.
Samahan nyo kaming sikutin ang malikot na utak ng comedy genius at legend na si GB Labrador. Listen up, yo!