About
Para sa estudyanteng si Grace, hindi niya pa afford bilhin ang mga libro na gusto niya. Kaya para makatipid, sa bookstore na lang mismo siya nagbabasa. Kaso nga lang, hindi lang mga kwento ng libro ang nakahuli ng atensyon niya dahil ang binatang si Jasper, nasungkit din ang puso ng dalaga. Bibigyan nila ng pagkakataon ang isa't-isa na magmahal kaso nga lang, lason daw ang pag-ibig para sa babaeng mataas ang pangarap. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories.