About
Isang gabi ng Pasko sa Bicol, sinuway ni Bartolo at ng kaniyang mga pinsan ang babala ng mga matatanda para manghuli ng insekto sa matataas na damuhan. Doon niya nakatagpo ang isang bugsok—isang uri ng aswang na baligtad kung lumakad.
Dahil sa nakakatakot na pagtatagpong ito, namaga at sumakit nang husto ang mga binti ni Bartolo hanggang sa ggapang na lamang siya para makagalaw. Nang walang mahanap na gamot ang mga doktor, lumapit sila sa albularyong si Mang Karyo. Sa pamamagitan ng dasal at pag-oopera sa kaniyang mga binti, dalawang malaking bato ang naisalin at nakuha mula rito—ang susi upang magwakas ang sumpa ng nilalang.
Alamin ang buong kuwento ng kababalaghan, paniniwala, at paggaling sa episode na ito!